Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

Hangal o Bayani?

Imahe
          Magkakasamang naglalakad sina Lorenzo, Virgil, at Manolo patungo sa sikretong himpilan ng kanilang grupo. Sunod na napahinto ang dalawang huli nang mapansing hindi na sumasabay sa kanilang paglalakad ang una. Nilingon nila ito at nakitang tinitingnan ang palo sa may tabi ng eskwelahan.           Sa taas niyon ay makikita ang isang banyagang bandila na malayang nililipad ng hanging hindi makahinga sa sarili nitong bayan.           "Lorenzo," bulong-tawag ni Virgil sa kanya habang masinop na nagpalinga-linga sa paligid. "Baka may makakita sa 'yo. Tayo na! Umalis na tayo."           Isa, dalawa, tatlong segundo pang tinitigan ni Lorenzo ang banyagang bandila bago sumunod sa kanyang mga kasama.           Isang maliit na abandonadong bahay na gawa sa semento at paghihinalahang pinamumugaran ng mga ligaw na espiritu kung titingnan sa labas subalit sa loob niyon ay makikita ang isang maayos at maaliwalas na lugar.           Una itong nadiskubre

Ang Pagtawid

          Malaya siyang naglalakad sa kalsada, naghahanap ng pwedeng mapulot na pagkain, nang mapadawit siya sa isang riot. Marahas na pinaghuhuli ang mga tumatakbo papalapit sa kanyang direksyon.           Bago pa makaalis ay sinunggaban siya ng isa sa mga nanghuhuli. Wala siyang nagawa kahit pinili niyang magpumiglas.           Dinala siya sa isang kulungan at doon may nakilalang kaibigan.           Kuwento nito, ligtas naman daw ang tinutuluyan nila. Libre rin ang pagkain kaya pinili niyang manatili roon.           Doon, naranasan niyang mabusog dahil panay ang paghain ng pagkain sa kanila. Pakiramdam niya'y hinahaluan ito ng gamot sanhi ng mabilis niyang paglakas at paglaki.           Matutuwa na sana siya kung hindi lang nabalitaan ang pagpatay ng mga nanghuhuli sa kaibigang itinuring niya nang pamilya.           Sa huli'y pinilit niyang makatakas para iligtas ang sarili. Hindi lumilingon sa mga nanghahabol sa kanya, natatarantang tinawid ng manok ang daan sa k

Isang Hiraya sa Dako Pa Roon

          "Totoo Kuya! Nakita ko talaga," saad ng maliit na boses ng batang babae.           "Ano ka ba Violet? Hindi totoo ang mga legendary pokemon. Hindi sila nag-eexist. Kita mo nga. Wala pa kahit sino ang nakakahuli ng isa. Kaya 'wag ka nang makulit, okay?" mahinahong pagpapaliwanag ni Blue sa boses na malayo pa sa pagbibinata habang nakahawak sa mga balikat ng kanyang kapatid.           "Pewo Kuya!"           Matagal na tinitigan ni Blue ang nakanguso niyang kapatid. Hanggang dibdib lang niya ang tindig nito habang maikukumpara naman ang kanya sa taas ng dalawang katlo ng isang side-by-side na refrigerator.           Sobrang cute tingnan ng kanyang nakababatang kapatid kahit na nangingilid na ang luha nito sa mga mata. Takaw-pansin ang malalaking kulay lilang tainga ng oso sa pantaling umiipit sa buhok nito sa mataas na pigtail. Nagmukhang mataba ang maliit nitong katawan dahil sa istilo ng khaki shorts nitong parang may hangin sa loob. H

Salita rin ang Susi

Ako ay lumabas sa aking lungga Sa pag-asang masilayan, mundong kay ganda Sumalubong sa akin, mga bibig nanghuhusga Binulag ang aking puso higit sa aking mga mata Ako ay muling nagtago, pinto ko ay sinarado Hindi pa nakuntento, yaon ay kinandado Upang protektahan ang sarili, umiwas sa tukso Na mag-asam na magpatuloy kahit masaktan ulit sa dulo Ako ay unti-unting nilamon na ng kadiliman Subalit dumating ka, daan ko’y iyong binuksan “‘Wag kang susuko,” iyan ang tangi mong tinuran Sa isang iglap lamang, pakiramdam ko ay gumaan.

Ang Muling Pagbitay

Panahon na naman ng pagwawaldas. Tipong walang-wala na nga ay nagagawa pa ring bumili ng kung ano-ano maipamigay lang sa mga importanteng tao kuno. Pero ang mga loko, mga pakitang-tao lang pala. Kesyo obligasyon daw kasi nila ang magbigay at kung 'di magawa ang huli'y kahihiyan ang sasakmal sa kanilang mga pagkatao. Mapapangiwi na lamang ako sa mga mukha nilang painosente na ang tanging kayang ibigay sa mga kumakatok sa kanilang mga bahay-bahay ay isang salita ng patawad. Mga dahilang hindi kilala, mga mapangmatang obserbasyon na siyang nagtutulak na humindi, mga damdamin at takot na baka utakan lang sila ng mga ito. Iyan sila na animo'y hawak ang isang maliit at parihabang de-pindot na makina. Kokontrolin ang mga ito sa iilang kibot ng mga daliri sa kamay. Ididikta ang kapalaran ng mga walang magawa—tulad ko. "Ruben! Ipasok mo na iyan! Kanina pa 'yan a. Oras na!" "Opo!" Napakamasunuring bata ngunit ang kanyang pagsunod ay ang aking bangungot. Ikukul

Pinakamasayang Memorya

Nakalimutan niya na naman ang oras. Malapit nang sumapit ang ikaapatnapu't tatlong minuto ng ikalabintatlong numero sa orasan. Sa layong 'di kukulang sa tatlong kilometro mula sa silid-aklatang kanyang kinalulugaran, kailangan niyang marating ang kanyang destinasyon sa loob lamang ng natitirang limang minuto. Ito na yata ang pinakamalas niyang pagkakataon sa lahat ng beses na muntik siyang mahuli sa takdang oras. Hindi siya aabot sa normal na pagbiyahe kaya kahit ipinagbabawal ang paggamit ng kanyang kakayahan ay pinili niya pa ring labagin ang utos at suwayin ang kanyang naging pangako. Kanyang iniangat ang kaliwang kamay at doon lumabas ang isang maliit na liwanag. Makaraan ang ilang sandali ay tila bumagal ang paggalaw ng mga tao at bagay sa paligid hanggang sa ang mga ito ay tuluyan nang huminto. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang magtagumpay sa kanyang gusto. Sunod niyang iginiya ang kamay paitaas hanggang sa humiwalay ang liwanag sa kanyang palad at nagpat

Itlog o Manok?

Noon ako’y masaya kasama’ng mga butihing irog Napupuno ng yaman mula hilaga hanggang timog Tunay ngang kakaiba ang hatid kong alindog Maging mga dayuhan sa akin ay nahulog Tungkulin kong bigyan ng pagkakakilanlan Aking mga anak at sila’y magabayan Ngunit tila ako ay mistulang nagkulang Iba-ibang paniniwala sa kanila ay humarang Isa, dalawa, tatlo; nasadlak sa pagiging alipin Mga talibadbad na desisyon nila, aking naging pasanin Subalit ako ay hindi kailanman dumaing Mahalaga’y ligtas sila, s’yang tangi't lagi kong hiling. Ngayon ako ay muling malaya na Mas magpupursige pa sa aking pagiging ina Gayunman, kahit na, ang lahat ay payapa Sa gitna ng batas, may ‘sang nagkukubli, nanghuhusga. Mga katwirang ‘di nauubos, mga tiwalang laging nababali Ako’y namamanglaw, ‘di mawari, ano ba talaga ang mali? Ako ba’y humantong dito nang dahil sa kanilang pagsisisi O pagbabago ba nila’y ako ang naging sanhi?