Gaano Kahalaga?
Ilang taon na nga ba akong nabubuhay? Napaisip ako sandali. Napagtanto ko na hindi ko na rin pala maalala. Hindi ko napigilan ang matawa lalo na nang tingnan ko ang aking sarili. Bigla tuloy nanumbalik sa 'kin ang isang pangyayaring hindi ko inasahang magaganap sa buhay ko. Sadyang nakatambay lang ako sa isang tindahan kasama ang iba pang tulad ko rin, naghihintay ng mga taong darating at umaasang kanilang kukupkupin. Hanggang sa dumating ang isang magandang babae. Mahaba ang kanyang itim na buhok na malinis na nakatali sa isang bungkos. May suot siyang salamin sa mata at mayroon siyang maliliit na bakal sa ngipin. Nakabihis siya sa puting polo blouse na may itim na vertical stripes na tumerno sa kanyang jeans at itim na doll shoes. Maamo ang kanyang hitsura na hindi. Mukha kasi siyang mataray pero mabait. Noong araw na iyon, siya ang nag-iisang pumili sa 'kin at inampon ako. Magkatabi kami sa