Salita rin ang Susi

Ako ay lumabas sa aking lungga
Sa pag-asang masilayan, mundong kay ganda
Sumalubong sa akin, mga bibig nanghuhusga
Binulag ang aking puso higit sa aking mga mata

Ako ay muling nagtago, pinto ko ay sinarado
Hindi pa nakuntento, yaon ay kinandado
Upang protektahan ang sarili, umiwas sa tukso
Na mag-asam na magpatuloy kahit masaktan ulit sa dulo

Ako ay unti-unting nilamon na ng kadiliman
Subalit dumating ka, daan ko’y iyong binuksan
“‘Wag kang susuko,” iyan ang tangi mong tinuran
Sa isang iglap lamang, pakiramdam ko ay gumaan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Si Piki sa Ilalim ng Bilog na Buwan

Isang Hiraya sa Dako Pa Roon

Ang Muling Pagbitay