Ang Muling Pagbitay
Panahon na naman ng pagwawaldas. Tipong walang-wala na nga ay nagagawa pa ring bumili ng kung ano-ano maipamigay lang sa mga importanteng tao kuno. Pero ang mga loko, mga pakitang-tao lang pala. Kesyo obligasyon daw kasi nila ang magbigay at kung 'di magawa ang huli'y kahihiyan ang sasakmal sa kanilang mga pagkatao. Mapapangiwi na lamang ako sa mga mukha nilang painosente na ang tanging kayang ibigay sa mga kumakatok sa kanilang mga bahay-bahay ay isang salita ng patawad. Mga dahilang hindi kilala, mga mapangmatang obserbasyon na siyang nagtutulak na humindi, mga damdamin at takot na baka utakan lang sila ng mga ito. Iyan sila na animo'y hawak ang isang maliit at parihabang de-pindot na makina. Kokontrolin ang mga ito sa iilang kibot ng mga daliri sa kamay. Ididikta ang kapalaran ng mga walang magawa—tulad ko. "Ruben! Ipasok mo na iyan! Kanina pa 'yan a. Oras na!" "Opo!" Napakamasunuring bata ngunit ang kanyang pagsunod ay ang aking bangungot. Ikukul