Itlog o Manok?

Noon ako’y masaya kasama’ng mga butihing irog
Napupuno ng yaman mula hilaga hanggang timog
Tunay ngang kakaiba ang hatid kong alindog
Maging mga dayuhan sa akin ay nahulog

Tungkulin kong bigyan ng pagkakakilanlan
Aking mga anak at sila’y magabayan
Ngunit tila ako ay mistulang nagkulang
Iba-ibang paniniwala sa kanila ay humarang

Isa, dalawa, tatlo; nasadlak sa pagiging alipin
Mga talibadbad na desisyon nila, aking naging pasanin
Subalit ako ay hindi kailanman dumaing
Mahalaga’y ligtas sila, s’yang tangi't lagi kong hiling.

Ngayon ako ay muling malaya na
Mas magpupursige pa sa aking pagiging ina
Gayunman, kahit na, ang lahat ay payapa
Sa gitna ng batas, may ‘sang nagkukubli, nanghuhusga.

Mga katwirang ‘di nauubos, mga tiwalang laging nababali
Ako’y namamanglaw, ‘di mawari, ano ba talaga ang mali?
Ako ba’y humantong dito nang dahil sa kanilang pagsisisi
O pagbabago ba nila’y ako ang naging sanhi?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Si Piki sa Ilalim ng Bilog na Buwan

Isang Hiraya sa Dako Pa Roon

Ang Muling Pagbitay