Walang Basbas
Nahulog, nabasag, nasaktan, at nasira
Iyan lamang ang pinili mong makita
Kahit anong tanggal ko sa piring ng ‘yong mga mata
Isang sinungaling sa harap mo, diyan ka tiwalang-tiwala
Nagmahal, nagningas, nalusaw, naupos
Tulad ng ‘sang kandila, inalay kong pag-ibig sa ’yo ay lubos
Binigyan ka ng liwanag sa dilim na walang makita halos
Kahit pa ang kapalit nito’y buhay ko ang matapos
Nahuli, naglihim, nagsakripisyo, nawasak
Mga pangarap sa toreng itinayo’y tuluyang bumagsak
Lingid sa kaalaman mo, sa likod ko’y magulang mo ang
sumaksak
Ngayon ay nag-iisa at sa sulok umiiyak.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento