Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2016

Walang Basbas

Nahulog, nabasag, nasaktan, at nasira Iyan lamang ang pinili mong makita Kahit anong tanggal ko sa piring ng ‘yong mga mata Isang sinungaling sa harap mo, diyan ka tiwalang-tiwala Nagmahal, nagningas, nalusaw, naupos Tulad ng ‘sang kandila, inalay kong pag-ibig sa ’yo ay lubos Binigyan ka ng liwanag sa dilim na walang makita halos Kahit pa ang kapalit nito’y buhay ko ang matapos Nahuli, naglihim, nagsakripisyo, nawasak Mga pangarap sa toreng itinayo’y tuluyang bumagsak Lingid sa kaalaman mo, sa likod ko’y magulang mo ang sumaksak Ngayon ay nag-iisa at sa sulok umiiyak.

Si Piki sa Ilalim ng Bilog na Buwan

Imahe
Noong unang panahon, masayang lumilipad sa ilalim ng init ng araw ang lahat ng mga paniki kasama ang iba pang mga ibon. Kilala ang mga paniki sa kanilang pagiging kakaiba sa lahat. Kumpara sa mga ibon ay mayroon silang mga tainga at wala naman silang mga tuka. Makikintab ang makakapal nilang balahibong itim. Malapad ang kanilang mga pakpak at malakas ang kanilang mga katawan. Maliksi rin silang lumipad at matalas naman sila kung mag-isip. Sa lahat ng mga paniki ay naiiba ang piking si Piki. Isinilang siyang magkadikit ang mga paa kung kaya naman hirap siyang magbalanse sa tuwing dumadapo sa mga sanga ng puno. Bilang solusyon, sinanay ni Piki ang sarili sa pagkapit sa sanga habang nakabitin ng pabaligtad. Noong una ay mabilis siyang mangawit at palagi siyang nahuhulog. Madalas na pagtawanan siya ng mga kaibigang ibon pero hindi niya iyon pinansin. Ipinagpatuloy lang ni Piki ang matiyagang pag-eensayo hanggang sa tuluyan na niyang makabisado ang pagkapit sa sanga nang nakabali

Mga Sentimyento ng Isang Duwag

Hinulma ako ng panahon at ng kabutihan bilang isang taong hindi maipagmalaki ang sarili sa buong mundo. Oo. Hindi ko kayang ipagyabang sa lahat kung sino ako kahit na ba ang pagkakakilanlan sa'kin ng mga tao ay isang mabait, mapagmahal, at maunawaing tao. Para ano pa? Gayong isa lang akong hamak na mapagbalat-kayo. Ipinakita ko sa kanila ang imahe ng aking pagiging isang mabuting anak, naging masunurin ako sa mga tuntunin ng aking mga magulang at naging maunawain sa aming kasalukuyang sitwasyon at nakuntento kung anong meron; ng pagiging isang mabuting kapatid, pilit kong binuo ang isang masayang larawan sa pagitan namin at inintindi ang kanilang mga sitwasyon sa oras ng alitan, pinakiramdaman ang kanilang mga damdamin at maingat na hindi sila masaktan; at ng pagiging isang mabuting kaibigan, binigyan ko sila ng masasandalan sa lahat ng oras at naniguradong hindi ako magdudulot ng kahit anumang problema sa kanilang mga buhay. Ginawa ko ang lahat ng iyon para lang sundan ang yapak n

Susi at Isang Panuto

Madalas akong tumambay dito sa Booklandia, isang reading cafe na matatagpuan sa Bayan ng San Fernando sa Pampanga. Dito lang kasi makikita ang mga librong nagtataglay ng mga kakaibang istorya. 'Yung tipong mapapasabi ka na lang ng, "Ano ba 'yan? Kahit anong piliin ko, walang patapon!" Seryoso ako doon. Dahil ang totoo, hindi pangkaraniwan ang reading cafe na ‘to. Normal kung sa normal pagka titingnan sa labas pero pagpasok mo sa loob, gugulatin ka na lang ng mga lumulutang na libro na parang nakalagay sa mga bookshelves na hindi nakikita ng mata. Idagdag mo pa na ang nagbabantay dito ay nasa anyong hindi katulad ng sa mga tao. Natatakpan ng puting buhok ang buong mukha ng lalaki na tanging ang makapal na kilay, bilog na ilong at maputlang labi lang nito ang makikita, walang bakas ng kahit anong nagpapakita ng kanyang balat. Doble naman sa bilang ang mga braso't kamay nito na nababalot ng mahahabang itim na gwantes. Sa kabila no'n, magara naman itong ting

Gaano Kahalaga?

Imahe
          Ilang taon na nga ba akong nabubuhay? Napaisip ako sandali. Napagtanto ko na hindi ko na rin pala maalala.           Hindi ko napigilan ang matawa lalo na nang tingnan ko ang aking sarili.           Bigla tuloy nanumbalik sa 'kin ang isang pangyayaring hindi ko inasahang magaganap sa buhay ko.           Sadyang nakatambay lang ako sa isang tindahan kasama ang iba pang tulad ko rin, naghihintay ng mga taong darating at umaasang kanilang kukupkupin. Hanggang sa dumating ang isang magandang babae. Mahaba ang kanyang itim na buhok na malinis na nakatali sa isang bungkos. May suot siyang salamin sa mata at mayroon siyang maliliit na bakal sa ngipin. Nakabihis siya sa puting polo blouse na may itim na vertical stripes na tumerno sa kanyang jeans at itim na doll shoes.           Maamo ang kanyang hitsura na hindi. Mukha kasi siyang mataray pero mabait.           Noong araw na iyon, siya ang nag-iisang pumili sa 'kin at inampon ako.           Magkatabi kami sa